Executive Legislative Agenda 2016-2019

Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Bayan ng Malvar ang kanilang Executive Legislative Agenda para sa taong 2016-2019 noong nakaraang Setyember 28, 2016. Pinangunahan ito ng ating mahal na punong bayan Cristeta Cuevas Reyes katulong ang pangalawang punong bayan Alberto C. Lat at iba pang kasapi ng sangguniang bayan. Kasama din dito ang MLGOO, Municipal Department Heads, PNP Chief, Fire Chief, Civil Society Organizations and Non Government Organization at DePEd District Supervisor. Sa pagtitipong ito ay sama sama nilang binalangkas sa Executive Legislative Agenda ang mga proyekto at plano kung paano na higit pa mapapa unlad ang bayan ng Malvar at paano matutugunan ang iba pang pangangailangan ng mga taga Malvar sa loob ng tatlong taon. Sa naturang pagpupulong ay ibinahagi ng punong bayan Cristeta Reyes ang ilang proyekto na papaloob sa bago nitong agenda ang 7K Program Agenda na kinabibilangan ng Kalusugan, Kapaligiran, Kabuhayan, Kalinisan, Kapayapaan, Kaligtasan at Kaunlaran. Sunod namang ibinahagi ng pangalawang punong bayan Alberto C. Lat ang kanilang priority legislative agenda kung saan tinalakay niya ang ilang mga ordinansa at naipasa at kailangan pang amyendahan.

Leave a Reply